Menor de edad na Pinoy na nasugatan sa trahedya sa sunog sa Switzerland, nailipat na sa Italy

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nailipat na sa Italy ang 16 taong gulang na Pilipinong nasugatan sa sunog sa isang bar sa Crans-Montana, Switzerland nitong Bagong Taon.

Ayon sa DFA, patuloy na nagpapagaling sa ospital sa Italy ang menor de edad na si Kean Kaisser Talingdan.

Tiniyak naman ng DFA na tinututukan ng Philippine Embassy sa Milan ang sitwasyon ni Talingdan habang nagpapagaling sa pagamutan.

Tiniyak din ng DFA ang pagrespeto sa kahilingang privacy ng pamilya Talingdan at ang pagsunod sa protocol ng pagamutan.

Sa naturang trahedya, 40 ang nasawi at mahigit 100 ang nasugatan.

Facebook Comments