Menor de edad na rider, patay matapos sumalpok sa isang van sa Bansalan, Davao del Sur

Nagtamo ng injuries sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang isang menor de edad matapos itong madisgrasya sa interseksyon ng Purok Bayanihan Street at Imburnal Street, Kilometer 77, Barangay Tubod, Bansalan, Davao del Sur.

Kinilala ang 17-anyos na lalaking biktima bilang si alyas “Reydel”, residente ng Barangay Dolo, Bansalan, Davao del Sur.

Sa report na natanggap ng DXDC RMN Davao mula sa Bansalan Municipal Police Station (MPS), habang papaliko ang van sa Purok Bayanihan St., bigla na lamang bumangga sa kanang bahagi ng sasakyan ang binatang nakasakay sa motor.

Napag-alamang isang alyas “Reynaldo”, 49-anyos na lalaki, ang nagmamaneho sa naturang van at residente ng Barangay Tubod, Bansalan, Davao del Sur.

Mabilis namang nirespondehan ng mga awtoridad ang insidente at dinala ang binata sa Davao del Sur Provincial Hospital ngunit idineklara na itong ‘dead-on-arrival’.

Facebook Comments