Hinatulan na ang menor de edad na suspek sa pagpatay sa Overseas Filipino Worker (OFW) na si Jullebee Ranara.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), sinentensyahan ng Juvenile Court sa Kuwait ang suspek ng 15 taong pagkakakulong dahil sa kasong murder at isang taon para sa driving without license.
Mas mababa ang parusa dahil sa pagiging menor de edad ng akusado.
May tatlumpung araw siya para iapela ang hatol.
Naipaalam na rin sa pamilya ni Ranara ang desisyon ng korte.
Nagpasalamat naman ang gobyerno ng Pilipinas sa mabilis na pag-aksyon ng Kuwaiti authorities sa kaso.
Enero nang matagpuan sa disyerto ang bangkay ni Ranara na napaulat na ginahasa, sinunog at sinagasaan.
Facebook Comments