Menor De Edad na Wanted sa Batas, Nadakip sa San Mateo, Isabela!

*San Mateo, Isabela- *Inaresto ang isang disi syete anyos na studyante dahil sa kanyang kasong Child Abuse at Acts of Lasciviousness bandang alas diyes kaninang umaga sa brgy. Bagong Sikat, San Mateo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, dinakip ng mga kasapi ng PNP San Mateo ang isang disi syete anyos na lalaki na residente rin ng nasabing barangay sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Ariel Palce ng RTC Branch 40, Cauayan City, Isabela dahil sa dalawang kaso nito Child Abuse at Acts of Lasciviousness.

Dinala na sa PNP San Mateo ang akusado para sa kanyang kaukulang disposisyon at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang tig-dalawang daang libong piso sa bawat kaso.


Facebook Comments