Menor de Edad, Naaktuhang Nagbenta ng Droga!

Santiago City, Isabela – Hindi nakaligtas sa ikinasang drug buy bust operation ng Santiago City Poloce Station at RDEU ang isang menor de edad kahapon sa oras na alas syete ng gabi, Abril disi syete, dos mil disi otso.

Batay sa impormasyong ipinarating ni Police Chief Inspector Reynaldo Maggay, itinago sa pangalang Jun-jun ang suspek na disi sais anyos at residente ng Barangay Malini, Santiago City.

Naaktuhan si Jun-jun na nagbenta ng isang pakete ng shabu sa isang nagpanggap na buyer na dahilan ng pagkaaresto nito.


Nakuha sa pag-iingat ni Jun-jun ang isang sachet na hinihinalang shabu, isang libong piso bilang marked money at isa pang pakete ng shabu.

Ang suspect ay lumabag sa kasong RA 9165 o mas kilala sa Comprehensive Drugs Act na nasa kostudiya na ng Santiago City Police Station at dinala na sa DSWD.

Facebook Comments