Menor de Edad, Nahuli sa Pagtutulak ng Marijuana sa Alicia Isabela!

Alicia, Isabela – Nahuli kagabi sa pagtutulak ng marijuana ang isang menor de edad makaraan ang isinagawang buy bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Sta. Cruz, Alicia, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector ReyTad-o, hepe ng Alicia Police Station, itinago ang suspek sa pangalang JR na residente ng nabanggit na lugar.

Aniya ipinarating umano ng isang impormante sa kanilang himpilan ang hinggil sa ginagawang pagtutulak ng marijuana ng suspek kung saan ay nagkasa naman agad ng isang team si PCI Tad-o para sa operasyon ng drug buy bust.


Sa pamamagitan ng isang nagpanggap na buyer ay matagumpay na nakuha sa suspek ang isang libong piso bilang marked money sa ibinenta niyang isang rolled marijuana.

Ang suspek at ang mga nakuha mula sa kanya ay dinala sa Alicia Police Station para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments