Menor de edad, nahulihan ng higit P1.2-M halaga ng shabu sa Dagupan City

Timbog ang isang menor de edad sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Tambac, Dagupan City, Pangasinan.

Nakumpiska sa suspek ang dalawang bag na may nilalamang hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P1.258 milyon, isang P500 bill, at 180 piraso ng P1,000 bill na boodle money.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek ngunit ililipat sa pangangalaga ng City Social Welfare and Development Office o CSWDO.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.

Facebook Comments