Tiklo ng awtoridad ang lalaking tukoy na high value individual sa usaping ilegal na droga sa Dagupan City.
Sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Mayombo, sa lungsod, nakumpiska sa pagmamay-ari ng drug suspect ang 103 gramo ng hinihinalang shabu.
Umabot sa P700, 400. 00 ang halaga ng drogang nasabat.
Ang drug suspect isang menor de edad, at isang Grade 9 na estudyante.
Nasa kustodiya na ito ng pulisya at nakatakdang irefer ang kaso sa City Social Welfare and Development Office para sa tamang disposisyon at interbensyon, alinsunod sa RA 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









