Monday, January 19, 2026

MENOR DE EDAD, NALUNOD SA SAN FABIAN BEACH

Nalunod ang isang menor de edad na babae habang naliligo sa San Fabian Beach.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bandang ala una ng hapon ng Sabado nang mangyari ang insidente.

Hindi umano nagpaalam na maliligo sa dagat ang biktima kasama ang nakatatanda nitong kapatid at pinsan nang biglang tangayin ng alon sa malalim na bahagi ang biktima.

Agad naman na rumesponde ang mga opisyal ng barangay at nagsagawa ng search and rescue operation.

Narekober ang katawan ng biktima bandang alas tres trenta ng hapon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments