MENOR DE EDAD, NASAGIP MULA SAMUNTIKANG PAGKAKALUNOD SA SAN JUAN, LA UNION

Kasabay ng pinaigting na pagbabantay ng Coast Guard Station La Union para sa World Surfing League (WSL) World Junior Championships, nasagip ang isang menor de edad mula sa muntikang pagkalunod sa isang resort area sa Brgy. Urbiztondo, San Juan, La Union.

Nagsasagawa ng Baywatch operations ang mga tauhan ng CGSS San Juan, katuwang ang augmented personnel mula sa Coast Guard District Northwestern Luzon, bilang bahagi ng seguridad at kaligtasan sa dagat kaugnay ng WSL 2026.

Habang naka-duty, agad na rumesponde ang mga PCG Baywatch personnel matapos matangay ng malalakas na alon at agos ang menor de edad na naliligo sa baybayin.

Gumamit ng lifesaving equipment ang mga rescuer at matagumpay na naiahon ang biktima mula sa dagat.

Sa paunang pagsusuri, nasa maayos na kondisyon ang menor de edad at walang nakitang sugat.

Ligtas din itong naibalik sa kanyang mga kaanak.

Matapos ang insidente, ipinagpatuloy ng Coast Guard ang kanilang Baywatch patrol upang matiyak ang kaligtasan ng iba pang mga naliligo at beachgoers sa lugar.

Facebook Comments