Nahagip ng isang motor ang menor de edad na babae nasa gilid lamang ng kalsada sa kahabaan ng Brgy. Doyong, Calasiao, Pangasinan.
Ayon kay Calasiao Police Station Operation Officer PLt. Noel Domalanta, napag-alaman na mayroong naganap na hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng babae at kanyang kasintahan sa gilid ng kalsada nang mangyari ang insidente.
Parehong nagtamo ng sugat ang dalawang driver habang sa kasamaang palad ay nasawi ang nahagip na menor de edad.
Ayon sa pulisya, nakapag-usap na ang mga sangkot sa naturang insidente at mayroon nang kasunduan sa pagitan ng mga ito.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments