MENOR DE EDAD, NASAWI MATAPOS MALUNOD SA ISANG DAM

Nauwi sa disgrasya ang katuwaan ng magkakaibigan sa isang dam sa Brgy. Baruyen, Bangui, Ilocos Norte.

Kinilala ang biktima na isang 16 anyos na binatilyo residente sa lugar. Ayon sa mga saksi, naligo sa dam ang magkakaibigan at nagkayayaan na lumangoy patungo sa kabilang bahagi.

Nalunod umano ang biktima sa kalagitnaan ng paglangoy nito. Sinubukan pang isalba ng mga rumespondeng awtoridad ang biktima ngunit bigo na itong magkamalay.

Itinakbo sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments