Menor de Edad, Patay Matapos Mabangga ng Trailer!

Santiago City, Isabela- Dead on the Spot ang isang menor de edad na lalaki matapos mabangga ng isang Trailer truck dakong alas diyes y medya kaninang umaga sa Pambansang lansangan ng Paraiso, Batal, Santiago City.

Kinilala ang biktima na si Vincent Agcaoili, disi sais anyos at residente ng nasabing lugar samantalang ang suspek naman na nagmamaneho ng Trailer truck ay kinilalang si Manuel Silva Jr. trentay uno anyos na residente naman ng Brgy. Antonio, Alicia, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Superintendent Eric Gumarang, hepe ng Traffic Group Santiago City, tumatawid umano sa naturang hi-way ang biktima nang biglang mahagip ng paparating na trailer ni Silva.


Sa lakas na impak ng pagkabangga ay nagtamo ng malalalim na sugat ang biktima na sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Ayon kay Police Supt. Gumarang, nag-usap na umano ang magkabilang panig at napagkasunduang sasagutin na lamang ng suspek ang mga gastusin sa lamay at libing ng biktima.

Facebook Comments