Menor de edad, patay matapos sagipin ang nalulunod na kapatid

53

Isang 15-anyos na lalaki ang nasawi matapos nitong sagipin ang nalulunod na kapatid sa isang lawa sa South Carolina.

Batay sa ulat ni Deputy Coroner Gary Duncan, nalunod ang bata na si Sahiyd Thomas-Joyner sa Lake Keowee, isa sa pinakadelikadong lawa sa naturang lugar, Biyernes ng gabi, malapit sa Keowee Toxaway State Park.


Ayon sa mga opisyal, nalunod si Sahiyd, 7:00 ng gabi at narekober ang katawan nito bandang 7:45 ng gabi sa may lalim na 20 ft.

Pahayag ni Duncan, nawalang bigla si Sahiyd nang tangkain nitong sagipin ang kanyang nakababatang kapatid na mistulang nalulunod sa lawa.

Saad niya, “When he pushed his 12-year-old brother back toward the shore, he went backwards and went under and never did come back up.”

Samantala, pahayag naman ng ama ng biktima, “He did an unselfish act to save his own brother. He gave his life to save his brother.”

Masakit rin para sa ina ni Sahiyd ang nangyari dahil marami pa raw umano itong gustong gawin sa buhay.

Samantala nagbigay naman ng pakikiramay ang eskwelahan ni Sahiyd na ibinahagi nito sa isang facebook post.

Facebook Comments

From Advertisers