Menor de edad, pinapayagan nang makapasok sa mga mall na nasa ilalim ng Alert Level 2 – MMDA

Pinapayagan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na makapasok sa mall ang mga menor de edad sa Metro Manila.

Ito ang kinumpirma ni MMDA Chairman Benhur Abalos kasabay ng pagsasailalim sa Alert Level 2 ng National Capital Region.

Pero paglilinaw ni Abalos, maaari namang dagdagan ng mga lokal na pamahalaan ang guidelines gaya ng pagkakaroon ng kasamang magulang o guardian kapag pumapasok sa mall.


Maliban dito, pwede na rin sa mga indoor dine-in at al fresco dine-in ang mga bata basta’t sumusunod sa venue capacity ang establiyisimento.

Sa ilalim kasi ng Alert Level 2, itinaas na sa 50% ang indoor venue capacity para sa mga fully vaccinated at 18 gulang pababa kahit hindi bakunado habang 70% naman sa outdoor venue capacity.

Facebook Comments