Menor de Edad sa Cauayan City Isabela, Arestado sa Drug Buy Bust!

Cauayan City, Isabela – Arestado kahapon ang isang menor de edad sa ikinasang drug buy bust operation ng mga otoridad sa Brethan Subdivision, Brgy. Marabulig 1, Cauayan City Isabela.

Ang suspek ay itinago na lamang sa pangalang Manny, labing anim na taong gulang, walang asawa, isang estudyante at residente ng Brgy. San Francisco, Cauayan City, Isabela.

Paulit-ulit umano na nagtutulak ng marijuana sa nasabing lugar ang suspek at nang makumpleto ng mga otoridad ang hinggil sa ginagawa nito ay nagkasa na ng isang operasyon ang pinagsanib pwersa ng PNP Cauayan City at PDEA sa papamgitan ng nagpanggap na buyer na isang pulis.


Nakuha kay Manny ang isang pakete ng marijuana, limang daang piso bilang marked money, isang cell phone at halagang apatnapu’t isang piso.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act laban sa suspek kung saan ay sasailalim ito sa inquest proceedings.

Facebook Comments