Menor de Edad sa Echague, Isabela, Inaresto!

Echague, Isabela – Arestado ang isang kinse anyos na estudyante matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito pasado ala una ng hapon sa Brgy. Taggappan, Echague, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP Echague sa pangunguna ni PCI Andy P. Orilla ang menor de edad na itinago sa pangalang “Arjay”, residente ng nabanggit na lugar sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Bonifacio T. Ong ng RTC Branch 24, Echague, Isabela dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act.

Dinala na sa himpilan ng PNP Echague ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.


May inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado na nagkakahalaga ng P200,000.00.

Facebook Comments