Menor de edad sa Echague, Isabela, Mahaharap sa Patung-patong na Kaso!

Echague, Isabela – Mahaharap sa patung-patong na kaso ang isang binatilyo na tinaguriang Top 1 Most Wanted Person sa bayan ng Echague matapos isilbi ng mga otoridad ang Warrant of Arrest nito sa Brgy.Gucab, Echague, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, dinakip ng mga kasapi ng PNP Echague ang menor de edad pasado alas dose ng tanghali na itinago sa pangalang “Jr”, residente ng nabanggit na lugar sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Bonifacio T. Ong ng RTC Branch 24, Echague, Isabela dahil sa patung-patong na kaso; kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act, kasong Robbery with Force Upon things at kasong Carnapping.

Nasa kustodiya na ng PNP Echague ang binatilyo para sa kanyang kaukulang disposisyon.


Samantala, may inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan na nagkakahalaga ng P518,000.00.

Facebook Comments