Menor de edad sa Echague, Isabela, Nahaharap sa 2 Kaso!

Echague, Isabela- Arestado ang kinse anyos na lalaki matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito bandang alas tres ngayong hapon sa Brgy. Taggappan, Echague, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP Echague ang menor de edad na itinago sa pangalang “Jay-ar”, residente ng nasabing lugar sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Bonifacio T. Ong ng RTC Branch 24, Echague, Isabela dahil sa kaso nitong Carnapping at Robbery.

Dinala na sa himpilan ng PNP Echague ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon bago itinurn-over sa court of origin nito.


May inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado na nagkakahalaga ng P318,000.00.

Facebook Comments