Menor de Edad sa Santiago City, Arestado sa Pagtutulak ng Marijuana!

89

Santiago City, Isabela- Natimbog ang isang disi syete anyos na lalaki sa ikinasang Drug Buy Bust Operation ng mga otoridad bandang 12: 45 kaninang madaling araw sa brgy. Centro East, Santiago City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga otoridad ang Out of School Youth na suspek matapos bentahan ng isang sachet ng tuyong dahon ng marijuana ang isang police poseur buyer sa halagang tatlong daang piso.


Dinala na sa Santiago City Police Station 1 ang suspek para sa kanyang kaukulang dokumentasyon at disposisyon habang nakatakda namang ipasakamay sa City Social Welfare and Development.

Facebook Comments