Menor de edad, Sugatan nang maaksidente sa Quezon, Isabela!

Quezon, Isabela – Sugatan ang isang menor de edad maging ang back rider nito matapos maaksidente kagabi sa pambansang lansangan ng Brgy. Abut, Quezon, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, itinago sa pangalang “John” ang menor de edad na drayber ng motorsiklo habang ang back rider nito ay kinilalang si John Lloyd Soltero Asunio, disi nueve anyos, estudyante at kapwa residente ng Brgy. Minagbag, Quezon, Isabela.

Binabaybay ng biktima ang nasabing lansangan lulan ang kanyang minamanehong motorsiklo at nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay hindi umano nito napansin ang nakatambak na buhangin at graba sa daan kaya’t nawalan ito ng kontrol sa manibela at tumilapon.


Nagtamo ng sugat sa katawan ang binatilyo maging ang backrider nito na dinala naman sa pagamutan para sa kanilang kaukulang lunas.

Facebook Comments