MENOR DE EDAD, TIKLO SA KASONG STATUTORY RAPE SA ILOCOS SU

Inaresto ng mga awtoridad ang isang 15-anyos na lalaki sa Barangay Bantay, Ilocos Sur, dahil sa kasong statutory rape at sexual assault.

Batay sa ulat ng pulisya, ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng Vigan City Police Station, Regional Intelligence Division, Bantay Municipal Police Station, at 1st Ilocos Sur Provincial Mobile Force Company.

Ang menor de edad, na kabilang sa Top 2 Most Wanted Persons sa municipal level, ay dinala sa ospital para sa medikal na pagsusuri bago isailalim sa kustodiya ng Vigan City Police Station.

Ipinaalam na rin sa City Social Welfare and Development Office (CSWD) ang insidente para sa tamang paghawak sa kaso alinsunod sa batas na pumuprotekta sa mga kabataan.

Facebook Comments