Muling nagpaalala ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng Infanta sa mga residente hinggil sa tamang pagtatapon ng basura.
Ayon sa tanggapan, patuloy pa ring nakikita ang mga basurang nakakalat sa ilang lugar sa kabila ng mga paalala.
Dahil dito, nahihirapan ang mga garbage collector na dapat sana ay mangolekta lamang ng basura ngunit napipilitang maglinis pa ng mga naiwang kalat.
Hinimok ng MENRO ang publiko na makiisa at tumulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa paligid.
Pinaalalahanan din ang mga residente na ilagay ang basura sa tamang lagayan at ilabas ito sa itinakdang araw at oras ng koleksyon.
Facebook Comments









