Mensahe ng DFA sa Araw ng Kalayaan, sumentro sa OFWs

Sumentro sa Overseas Filipino Workers (OFWs) ang naging mensahe ng Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong Araw ng Kalayaan.

Partikular na iniugnay ng DFA ang mensahe sa OFWs ang tema ng selebrasyon para taong ito na “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan.”

Ayon sa DFA, ito rin ang araw ng pagpapahalaga sa naging sakripisyo ng ating mga ninuno sa pagkamit ng tagumpay ng kanilang pinaglaban.


Dapat din anilang maging inspirasyon ang katapangan ng Katipuneros ng bawat Pilipino maging sila man ay nasa bansa o sa ibayong dagat para sa pagtaguyod sa Bagong Pilipinas.

Facebook Comments