Mensahe ng isang senador sa ika-80 kaarawan ni FPRRD, magpakatatag at huwag mawalan ng pag-asa

“Manatiling matatag at huwag mawalan ng pag-asa.”

Ito ang mensahe ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa ika-80 kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nasa detensyon nito sa The Hague, The Netherlands.

Ayon kay Dela Rosa, naniniwala siyang lahat ng mga pagsubok ngayon ni dating Pangulong Duterte ay malalagpasan din nito dahil pansamantala lang ang mga kinahaharap na problema ngayon.


Kaya naman, payo ng senador na kilalang malapit sa dating Pangulo, magpakatatag, laban lang at huwag susuko.

Ipinaalala ni Dela Rosa kay dating Pangulong Duterte na maraming mga Pilipino ang patuloy na sumusuporta sa kanya saan mang panig ng mundo lalo na ang mga kababayan nasa iba’t ibang panig ng Europa na personal na nagtungo sa The Netherlands para magbigay ng suporta sa dating Pangulo.

Facebook Comments