Mensahe ng pagasa, inaasahang magiging laman ng SONA ni Pangulong Duterte

Inaasahan ni House Speaker Alan Peter Cayetano na mensahe ng pagasa sa gitna ng COVID-19 pandemic ang lalamanin mamayang ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Cayetano, inaabangan niya na babanggitin ng Presidente ang mga plano nito sa buhay at kabuhayan ng mga apektado ng health crisis.

Umaasa rin ang lider ng Kamara na ilalatag ng Pangulo sa kanyang SONA ang mga plano nito sa bansa sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang termino sa 2022.


Ilan sa mga nais masaksihan din ni Cayetano pagkatapos ng SONA ang 3-year o 5-year plan para sa upgrade ng local tourism, laboratory at medical facilities.

Kumpyansa rin ang Speaker na sa nalalabing dalawang taon ni Pangulong Duterte ay matutupad nito ang kanyang mga pangako noong kampanya gayundin ang mga plano nito sa mga nagdaang SONA.

Facebook Comments