Manila, Philippines – Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte ng pagkakaisa kasabay ng pagkilala nito sa naging kontribusyon ng mga Tsinoy (Chinese Filipinos) sa kultura at pagkakakilanlan ng Pilipinas.
Sa kanyang mensahe ngayong Chinese New Year, sinabi ng Pangulo na kabahagi nating mga Pilipino sa makulay na kasaysayan ng Pilipinas ang mga Chinese.
Ang matibay na pagkakaibigan ng dalawang lahi ay nagresulta ng mayamang kultura at malakas na kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa.
Umaasa ang Pangulo na sa pamamagitan ng pagdiriwang ito ay mapapalakas ang mabuting ugnayan bilang iisang bansa na layong mapangalagaan ang tinawag niyang ‘unique’ at ‘multi-faceted’ Filipino heritage.
Kumpiyansa rin ang pangulo na mahalaga ang papel ng mga Chinese-Filipinos sa paghubog ng ating national identity.
Ang Chinese New Year ay idineklara ng Pangulo bilang isang special non-working holiday.