Mensahe ng Presidential Communications Operations Office ukol sa martial law, mali para sa liderato ng Senado

Manila, Philippines – Mali para kay Senate President Koko Pimentel ang mensahe ng inilabas na video ng tanggapan ni Communications Secretary Martin Andanar.

Sa naturang video ay isinusulong ang pag-iral ng martial para labanan ang mga sa lawless elements sa bansa at hinihikayat ang taongbayan na ito ay tanggapin at ituring na new normal sa lipunan.

Diin ni Pimentel, ang martial law ay extreme measure na kailanman ay hindi maituturing na good normal at dapat ay pansamantala lamang.


Pero ayon kay Pimentel, inalis na ng tanggapan ni Andanar ang nasabing video kaya hindi na ito dapat palakihin pa.

Sabi pa ni Pimentel, makabubuting bigyan ng pagkakataon si Secretary Andanar na ayusin ang kanyang mga opsina.

“haven’t seen the video but have read the link you sent. Message is not clear. Too abstract. And ML s never “a good normal”. It s an extreme measure. Meant to be for a temporary period. Good that Andanar took it down. Let him cleanse his office of misguided spirits and incompetent people. Hayaan na natin siya to fix his office.” – Pimentel
DZXL558

Facebook Comments