Hinikayat ng simbahang katolika ang mga pilipino na sulitin ang paggamit sa wagas na pag-ibig ng diyos para sa mabuting pakikitungo sa kapwa.
Sinabi ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa kanyang Eastern sunday message, na ang tunay na kahulugan ng pag-ibig ay malalim at hindi lang ito matatapos sa mga salita.
Aniya, ang pag-ibig ay hindi lamang sa isang salita, ito ay isang paraan ng pamumuhay na nakikita, nakatagpo at nauunawaan ng ibang tao.
Nagbigay din ng paalala ang Arsobispo sa mga pilipino na maging mapagkumbaba at matulungin sa lahat ng tao.
Dagdag pa ni Tagle, tayo ay tinawag bilang mga kristiyano upang makatagpo ng iba at maglakad nang kasama. Ang mga ito ay bumuo ng kababaang-loob, walang paghatol o pagpapanggap na may sagot sa lahat ng kanilang mga problema.