Mensahe ni PBBM sa 21st defense summit sa Singapore, inaantabayan na ng mga defense stakeholder

Nakatutok na ang mga delegadong defense stakeholder ng 21st International Institute for Strategic Studies Shangri-la Dialogue sa Singapore sa magiging talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Alas-8:00 mamayang gabi ang nakatakdang pagsasalita ng pangulo sa dialogue.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), inaasahang tatalakayin ng pangulo ang isyu ng West Philippine Sea at ang kahalagahan ng waterway sa pandaigdigang kalakalan at ekonomiya.


Si Pangulong Marcos ang kauna-unahang presidente ng Pilipinas na magsasalita sa defense forum na dadaluhan ng 550 delegate mula sa 40 bansa sa buong mundo.

Samantala, natapos na ang bilateral meeting ni PBBM kay Singaporean President Tharman Shanmugaratnam at Prime Minister Lawrence Wong.

Alas-4:00 naman ng hapon ay may pulong ang pangulo kay Singapore Senior Minister Lee Shein Loong at ala-6:00 ng gabi naman ang bilateral meeting ng pangulo sa Prime Minister ng Lithuania.

Samantala, inaasahang babiyahe na mamayang hatiggabi ang pangulo mula Singapore pabalik dito sa Pilipinas.

Facebook Comments