MENSAHE PARA SA KALAWAKAN | Kansas farmer gumawa ng “cow art image” para mag-“hi” sa outer space

Amerika – Isang Kansas farmer at self-proclaimed “cow artist” ang hiningi
ang kooperasyon ng mga alaga niyang baka para mag-“hi” sa Tesla-Toting
Space X Rocket.

Sa video na ipinadala ng farmer na si Derek Klingenberg, makikita na
isa-isa niyang tinipon at inayos ang posisyon ng nasa 300 alaga niyang baka
hanggang ma-spell out ang salitang “HI”.

Gusto raw kasi niyang patunayan na makikita ng Space X Rocket ang nasabingh
cow art image mula sa outer space.


At para patunayan, kukuha siya ng satellite images nito.

Katunayan, araw-araw siyang nakakatanggap ng satellite images ng kanyang
farm mula sa Farmersedge, isang kompanya na gumagamit ng planet labs
satellite.

Aminado naman si Klingenberg na medyo nahirapan siyang iposisyon ang mga
baka dahil umaalis ang mga ito para kumain ng damo.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments