Mental care at social healing program para sa COVID survivors, sinisilip ng pamahalaan

35

Target ng pamahalaan na magkaroon ng mental care at social healing program para sa COVID-19 survivors.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., marami ang tumatawag na nagpapakamatay ang ilan dahil sa stigma at nagkakaroon ng breakdown.

Aniya, isa sa tatlong gumaling sa COVID-19 ang nakakaranas ng neurological o psychiatric diagnosis matapos ang anim na buwan.


“Plano po namin sa National Action Plan, iyong aftercare po ng COVID-19 kasi nakita po natin talaga iyong stigma, nakita natin sa COVID-19 napakataas. Maraming tumatawag po sa atin, pami-pamilya nagbi-breakdown and also there are many cases also na may mga suicide cases and with this—this is a very serious problem after that we have undertaken or eliminated the disease,” ani Galvez.

Sabi pa ni Galvez, marami sa mga nakaligtas sa COVID-19 ang hindi alam kung paano makabalik sa normal na pamumuhay.

“Ang nakita namin talaga sa National Action Plan, we will have an elaborate ano po, sa social healing at saka iyong tinatawag nating mental care para magkaroon po ng tinatawag nating reconstruction at saka reconstitution ng ating mental care in terms doon sa stigma,” dagdag pa ni Galvez.



Tiniyak din ni Galvez na nakikipag-ugnayan na sila sa mga eksperto kaugnay ng pagsasagawa ng mental care at social healing.

Facebook Comments