
Hinimok ng dalawang lider ng Kamara ang Philippine National Police (PNP) na suriin ang mental fitness ng mga tauhan nito matapos maglabas ng matinding galit si Patrolman Francis Steve Fontillas sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa tingin ni House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur, kailangang magpatupad ng epektibong hakbang ang PNP para madetermina ang psychological capacity ng nais maging pulis dahil bukod sa bibigyan sila ng baril ay mabigat din ang kanilang responsibilidad.
Giit naman ni Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union, dapat isaalang-alang ng PNP, National Police Commission at maging ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang katulad na ahensiya, hindi lamang ang pisikal na kakayahan ng mga bagong pulis o kawani nila kundi pati ang mental na kalagayan.