Mental health at health literacy, palalakasin ng DepEd

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na gumagawa na sila ng mga hakbang para sa dalawang pangunahing direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kinabibilangan ng mental health, psychosocial preparedness at health literacy sa mga estudyante at guro.

Sa “Handang Isip, Handa Bukas” virtual press briefing, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na palalakasin ng ahensya ang mental health at psychosocial preparedness ng mga mag-aaral at guro sa gitna ng epekto ng COVID-19 pandemic.


Mahalaga rin aniya na maipasok sa bagong curriculum ang health literacy.

Layunin nito na maihanda ang mga estudyante at mga guro na harapin ang mga banta sa kalusugan at mapanatili nila ang kanilang katawan at kaisipan na malusog at matibay.

Facebook Comments