Manila, Philippines – Sa botong 19-0 ay lumusot na sa 3rdand final reading ang Senate Bill No. 1354 o Mental Health Act of 2017.
Layunin ng panukala na ipaloob ang mental health servicessa primary health care system sa bawat komunidad.
Ito ay para matiyak na mapoproteksyunan at matutugunanang taong nangangailangan ng mental health services.
Mandato din ng batas na palakasin ang kakayahan ng mgaprovincial hospitals sa pagbibigay ng psychiatric, psycho-social at neurologicservices.
Itinatakda din ng panukala na ipaloob ang mental healthpromotion sa educational institutions para mapawi diskriminasyon at negatibongpagtingin sa mga indibidual na mental health concern.
Palalakasin din ng panukala ang kapasidad, reorientation,at training ng mental health professionals at health workers.
Kapag tuluyang naisabatas ay papatawan naman ng hindibababa sa anim na buwan hanggang dalawang taon na pagkakabilanggo at multangmula P10,000 hanggang 200,000 ang sinumang lalabag dito.
Pangunahing may akda ng panulala si Senate Majority FloorLeader Tito Sotto, kasama sina Senators Risa Hontiveros, Sonny Angara, SonnyTrillanes, Bam Aquino, Loren Legarda at Joel Villanueva.
Samantala, Bilang suporta sa mental health bill aynagtungo naman kahapon sa Senado sina Miss International Kaylie Verzosa,actress Ms. Antoinette Taus at Ms. Ika Ejercito na anak ni dating pangulo atngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada.
Mental health bill, lusot na sa Senado
Facebook Comments