Mental Health Bill, pasado na sa Kamara

Manila, Philippines – Aprubado na sa ikalawang pagbasa ang Mental Health Bill o House Bill 6452 na layong bigyang proteksyon ang karapatan ng mga may mental illness.

Sa ilalim ng panukala, ipinatitiyak na ang mga ospital ay may sapat na pasilidad, empleyado, kagamitan ng supply natutugon sa psychiatric emergencies.

Iniuutos ng panukala ang paggalang sa karapatan ng mental health patient at bawal silang isailalim sa solitary confinement at involuntary treatment.


Ang Commission on Human Rights at Department of Justice ay pinag-iimbestiga sa lahat ng kasong pag abuso sa mental health patients.

Magtatatag naman ng Philippine Mental Health Council sa ilalim ng DOH na siyang bubuo at magpapatupad ng mental health care delivery services.

Ang lalabag sa panukala sakaling maging batas na ito ay makukulong ng anim na buwan hanggang dalawang taon at magmumulta ng mula 10,000 hanggang 200,000 pesos.

Facebook Comments