MENTAL HEALTH BREAK, IPINATUPAD NG QSU

CAUAYAN CITY- Ipinatupad ng Quirino State University (QSU) ang Mental Health Break mula April 14 hanggang April 16 taong kasalukuyan.

Ito ay bilang tugon sa resolusyon ng Student Government at bilang pagkilala sa kahalagahan ng kalusugang pangkaisipan ng mga estudyante.

Sa mga nasabing araw, walang deadlines o requirements upang bigyang-daan ang pahinga at self-care ng mga mag-aaral.

Hinihikayat silang gamitin ang oras sa pag-recharge at pagninilay, lalo na’t malapit na ang pagtatapos ng semestre.

Kasabay nito, ipinatutupad din ang Work-From-Home scheme para sa lahat ng guro at kawani. Inaasahan silang magtrabaho nang remote at manatiling available sa oras ng opisina.

Inatasan din ang mga frontline offices na tapusin ang mga pending na transaksyon bago ang Semana Santa, alinsunod sa Ease of Doing Business Act.

Layunin ng hakbang na ito na suportahan ang kapakanan ng buong komunidad ng QSU habang nananatiling epektibo at makatao ang serbisyo ng unibersidad.

Facebook Comments