Mental health crisis online, bukas ngayong Holiday season para makipag-usap sa mga nagkaka-anxiety

Bukas ang mental health crisis online ng Quezon City Health Department ngayong Kapaskuhan.

Ito’y upang may makipag-usap sa mga residenteng nakararanas ng stress, anxiety at pagkalungkot dulot ng financial pressures at mula sa kahirapang maka-cope mula sa expectations sa kanilang mga nakasasalamuha sa lipunan.

Ayon sa QC Health Department, malimit umanong nararamdaman ang ganitong stress sa gitna ng mga kasiyahan mula sa mga kali-kaliwang selebrasyon, reunions o simpleng pagsasalo-salo ngayong Kapaskuhan.


Paalala ng departamento sa mga makararamdam ng anxiety, huwag sarilinin ang mga nadarama.

Mayroon umanong mga healthcare worker na nakahandang makipag-usap, 24 hours ngayong Kapaskuhan.

Mas mainam din na maging maalalahanin ang lahat ng mga kaibigan, katrabaho o kapamilya sa kanilang possibleng nadarama o pinagdaraanan.

Quezon City Mental health crisis hotline: 122

National Center for Mental Health Crisis Hotline: GLOBE/ TM: 0966-351-4518; 0917-899-8727 (USAP)

Facebook Comments