Mental health desks sa mga LGU, kailangan – Marcos

Umapela sa Inter-Agency Task Force (IATF) at Metro Manila Mayors (MMC) si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magtalaga ng mga Mental Health Help Desks sa mga Local Government Unit (LGU).

Ito ay para tutukan ang pagdami ng mga Pilipinong dumaranas ng mental health issues dahil sa umiiral na lockdown.

Ayon kay Marcos, malaking tulong sa publiko ang pagkakaroon ng physical desk o hotline na maaaring tawagan ng mga nakakaranas ng mental fatigue, anxiety o depression.


Hinikayat naman ng dating Senador ang mga mental health professionals gaya ng mga psychiatrists at counsellors na mag-volunteer ng kanilang oras at kaalaman sa mga itatayong help desks.

Sa ngayon, nakatakda nang magsumite ng liham si Marcos sa IATF, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at MMC upang masimulan na ang nasabing proyekto.

Facebook Comments