MENTAL HEALTH ISSUE | US Secretary of State Rex Tillerson, ipinagtanggol si US President Donald Trump

Amerika – Walang pagkwestyon si US Secretary of State Rex Tillerson sa usapin ng mental health ni US President Donald Trump.

Tugon ito ni Tillerson, hinggil sa paglabas ng kontrobersyal na libro kung saan nakasaad na isa umano mismo sa staff ni Trump ang nagsabi na para itong bata.

Ayon kay Tillerson – sadyang hindi typical leader ang Pangulo ng Amerika.


Unang inihayag ng American author na si Michael Wolff na kanyang ibinase ang librong “Fire And Fury: Inside The Trump White House,” sa 200 interviews.

Natuloy ang pagbebenta nito sa kabila ng mga pagtatangka ni Trump na ito ay pigilan dahil pawang kasinungalingan lamang daw ang mga nakasulat na layunin lamang na siya ay siraan at saktan.

Facebook Comments