MENTAL HEALTH | Mga batang nabakunahan ng Dengvaxia at kanilang mga magulang, isinalang sa debriefing

Manila, Philippines – Naniniwala ang DOH na upang maibsan ang mga nararanasang pag-aalala, nagsagawa ng mental health fair ang kagawaran para sa mga batang nabakunahan ng Dengvaxia at kanilang mga magulang kasunod ng mga pagkamatay ng daan-daang kabataan dahil sa naturang bakuna.

Ang unang sigwada ng “Mental Health Fair for Dengvaxia Vaccines” na may temang “Malusog na Kaisipan para sa Pangkalahatan Handog ng Kagawaran ng Kalusugan” ay ginanap sa Lijara, Lina, Chipeco Auditorium at Central II Elementary School sa Calamba, Laguna kamakailan.

Ayon kay DOH CALABARZON Regional Director Eduardo C. Janairo ang nasabing event ay bahagi ng patuloy na commitment and support ng gobyerno na naglalayong mabigyan ng physical, psycho-social and mental health interventions ang mga Dengvaxia vaccine gayundin ang kanilang mga magulang at mga pamilya.


Aminado ang opisyal na nagkaroon ng epekto sa pangkalahayang kaisipan at kalusugan na nakakapagpadagdag sa mabagal na pagpapagaling at pagpapalakas ng katawan ng mga mga bata ang Dengvaxia.

Kailangan aniyang mabigyan ng mga ganitong klase ng gawain para kahit sa isang araw lang ay makalimutan ng mga biktima ang mukhang magtatagal na epekto ng Dengvaxia sa kanilang kaisipan at kalusugan.

Facebook Comments