Mental health ng mga kabataan, sentro ng pagdiriwang ng 30th National Children’s Month

Binigyang diin ni Council for the Welfare of Children Usec. Angelo Tapales sa naganap na flag ceremony at 30th National Children’s Month sa Kampo Krame ngayong araw ang kahalagahan ng mental health lalo na sa mga kabataan.

Ayon kay Capales, kabataan ang pinaka-vulnerable pagdating sa mental health issue.

Kadalasang may kaugnayan din aniya ito sa karanasan ng mga ito sa kani-kanilang tahanan.


Gaya na lamang ng corporal punishment na may epekto sa mental health ng mga bata lalo na kung ito ay ginawa ng miyembro ng pamilya.

Batay rin aniya sa datos 3 sa kada 5 bata ang nakararanas ng psychological, physical at sexual violence.

Panawagan ni Capales, ngayong Children’s Month na magtulungan upang maprotektahan ang mga bata.

Facebook Comments