Tinututukan ng lokal na pamahalaan ng Mangatarem ang mental health ng mga mag-aaral sa Macarang National High School sa isinagawang Psychosocial First Aid Activity.
Ito ay tugon sa insidente noong Oktubre 9, kung saan 40 sa 54 mag-aaral ang isinugod sa ospital dahil sa heat exhaustion, hyperventilation at anxiety.
Ayon sa MSWDO Mangatarem, layunin ng gawain na tugunan ang mental at emosyonal na kalusugan ng mga mag-aaral upang magpatuloy sa kabila ng stress.
Bilang resulta, pinalawig ng ahensya ang kaalaman ng mag ito sa tamang pag-unawa ng emosyon at pagkilala sa sanhi ng stress.
Sa paraang ito, matutulungan na palakasin ang kakayahan at kalusugan ng mga mag-aaral para mabalanse ang buhay at edukasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








