Mental health ng mga manggagawa, dapat isulong ng lahat ng mga ahensya ng pamahalaan

Nagpaalala ang Civil Service Commission (CSC) sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na bigyang prayoridad ang mental health ng nasa 1.9 milyong manggagawa ng estado sa buong bansa.

Ginawa ni CSC Chairperson Karlo Nograles ang panawagan kasabay ng pagdiriwang ng Mental Health Awareness Month.

Ani Nograles, nakasalalay sa pisikal at mental na kalusugan ng mga manggagawa sa gobyerno ang kalidad ng serbisyo publiko na ihahatid sa mga stakeholder.


Sa ilalim ng CSC Resolution, inaatasan ang mga ahensya ng gobyerno na magtatag at magpatupad ng Mental Health Program (MHP).

Ang mga MHP ay dapat tumutugon sa stigma sa kalusugan ng isip at magbigay ng naaangkop na psychosocial na suporta at paggamot para sa mga empleyadong may mga kondisyon sa pag-iisip.

Dagdag ni Nograles, malaki ang maitutulong ng pag-oorganisa ng mga team building activities, mga sports festival o support groups sa pagpapasigla ng mental health.

Facebook Comments