Mental health ng mga residenteng apektado ng pagputok ng bulkan, pinapatutukan ng isang senador

Binigyang-diin ni Senator Risa Hontiveros ang kahalagahan na matutukan ang kalusugang pangkaisipan ng mga residente na apektado ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ayon kay Hontiveros, kadalasan ay may dalang trauma ang mga sakuna bukod sa hindi rin madali ang mawalan ng tirahan at hanapbuhay dahil sa mga ganitong pangyayari.

Paliwanag ni Hontiveros, ang mga biglaang pagbabago sa ating buhay na hindi natin napaghahahandaan ay nakakaapekto sa ating mental health.


Kaya naman umaasa si Hontiveros na maliban sa mga relief goods ay mapaabot din ng gobyerno ang mental health aid para sa mga evacuees.

Giit ni Hontiveros, kung maayos na masuportahan ang mental health ng mga naapektuhan ng pagputok ng bulkan ay mas maayos din sila na makakabangon mula sa doble-dobleng trahedya.

Facebook Comments