Mental health ni PBBM, maayos daw sa gitna ng bigat ng trabaho

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nananatiling maayos ang kanyang mental health sa kabila ng araw-araw na bigat ng trabaho sa pamumuno ng bansa.

Ayon sa pangulo, malaking bagay ang regular na pahinga, pag-eehersisyo at oras kasama ang pamilya upang mapanatili ang malinaw na pag-iisip.

Epektibo aniya ang ginagawa niyang paglalaan ng ilang oras na break para makalayo sa problema, tulad ng pag-eehersisyo, pakikinig ng musika o nagkuwentuhan kasama ang mga anak, kaya mas mabilis siyang nakakaisip ng panibagong solusyon.

Dagdag pa ni PBBM, marami na siyang dinaanang pagsubok noon pa man kaya hindi na siya madaling mataranta.

Nakatulong raw dito ang pag-obserba niya sa amang si dating Pangulong Marcos Sr. para maunawaan ang sakripisyo at responsibilidad ng pagiging lider.

Giit ng pangulo, malinaw ang kanyang isip at direksyon dahil ang motibasyon niya ay paglilingkod, hindi pansariling interes.

Facebook Comments