Magbubukas na ang mga mental health services hatid ng Ilocos Sur Medical Center simula April 7, ngayong taon.
Sa abiso ng ospital, magkakaroon ng Psychiatric Consultation kada Huwebes mula alas otso hanggang alas kwatro ng hapon.
Saklaw pa ng mental health services ang Psychological Evaluation and Intervention, Lunes hanggang Miyerkules mula alas otso hanggang alas singko ng hapon.
Patuloy na itinataguyod sa Region I ang pagpaprayoridad din sa usaping mental health sa gitna ng kinakaharap na krisis ukol dito.
Kamakailan, naglunsad din ang DOH – Ilocos sa pamamagitan ng Mental Health Program ng mga pagsasanay sa pagbabahagi ng kaalaman kaugnay nito katuwang ang mga advocates lalo sa mga komunidad sa rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments