MENTAL HEALTH | Singer Janet Jackson, inaming dumanas ng matinding depresyon

Hollywood – Inamin ngayon ng sikat na singer na si Janet Jackson na dumaan ito sa matinding pakikipaglaban sa depression.

Inihayag ng singer na konektado ito sa kaniyang naranasang childhood inferiority complex, societal racism at sexism.

Dagdag pa ni Janet na kapatid ng King of Pop na si Michael Jackson, na naging mahirap para sa kaniya ang nasabing pakikipaglaban sa depression.


Nagpasalamat naman si Janet dahil nalampasan niya ang depression lalo na nang magsilang ng kaniyang anak noong nakaraang taon.

Facebook Comments