Mental hospital sa Antipolo City nagkahawaan ng COVID-19; granular lockdown, ipinatupad

Kinumpirma ngayon ng Antipolo City government na 4 na araw na isasailalim sa granular lockdown ang Villa Herzon Mental Health Center.

Kasunod ito ng pagkakaroon ng kaso ng COVID-19 na posibleng ikinahawa na rin ng iba pang mga empleyado ng nabanggit na mental care facility.

Sa report na inilabas ni Antipolo City Mayor Andeng Ynares, 11 sa 31 mga empleyado ay kinakitaan na ng mga sintomas ng virus gaya ng ubo, sipon, sakit ng lalamunan at matinding pananakit ng katawan.


Ngayong araw ay handang tapusin ng Local City Health Department ang swab testing at contact tracing sa lahat ng mga manggagawa at posibleng nakahalubilo ng mga ito sa labas ng pagamutan.

Bukod sa pamimigay ng food packs at grocery items patuloy ang monitoring ng lokal na pamahalaan ng lungsod sa mga pasyente.

Facebook Comments