MENTALLY AND EMOTIONALLY FIT | Kamara, itinutulak ang mandatory psychological at psychiatric tests sa lahat ng mga opisyal ng gobyerno

Manila, Philippines – Isinusulong sa Kamara ang pagsasailalim ng mga opisyal ng gobyerno sa mandatory psychological at psychiatric tests.

Sa inihaing House Bill 7344 nina Kabayan Reps. Ron Salo at Ciriaco Calalang, sakop ng mandatory psychological at psychiatric tests ang mga uupo sa appointive positions at mga halal na pwesto.

Hindi naman kasama sa mandatory psychiatric test na ito ang mga empleyado na walang discretion o supervisory powers sa kanilang tungkulin.


Hindi rin sakop ng panukala ang mga casual, temporary at co-terminus employees pati ang mga nasa confidential positions.

Magiging saklaw lamang ang mga ito ng mandatory psychological at psychiatric tests kung mag-a-apply na para sa posisyon na may supervisory powers.

Itinutulak ng dalawang kongresista ang panukala kasunod ng impeachment proceeding laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno kung saan naging issue ang mental fitness nito.

Facebook Comments